NEDA, ipinaliwanag ang dahilan ng technical glitch sa Online registration system para sa National ID

Tiniyak ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua sa publiko na nagkaroon ng improvements sa online registration.

Kaugnay nito ay humingi naman ng tawad ang kalihim sa publiko dahil sa technical issues na naranasan sa pilot launch ng online registration para sa Philippine Identification System (PhilSys) noong April 30.

Sinabi ni Chua na inaako niya ang buong responsibilidad sa nangyari.

Sa Cabinet meeting kasama si Pangulong Rodrigo Duterte ay ipinaliwanag ni Chua, na nagsisilbing chair ng Philippine Statistics Authority, na na-test ang system ng 16,000 simultaneous users per minute at kaya pa sana nito mapagserbisyuhan ang 35,000 users per minute.

Gayunman, sinabi ni Chua na sa unang minuto pa lang ay umabot na sa 46,000 users ang sumubok na magparehistro gamit ang system.

Matatandaan na noong April 30 ay tinatayang nasa 2,000 registrants lamang ang matagumpay na nakapagparehistro gamit ang regitration system.

Leave a Reply

Your email address will not be published.