Negosyante, patay sa pamamaril sa Talisay, Batangas

Patay ang isang negosyante habang nakaligtas naman ang kanyang misis sa naganap na pamamaril sa Barangay Poblacion 5 Talisay, Batangas.

Kinilala ng Talisay Municipal Police Station (MPS), ang mga biktima na sina Restituto Petate, 49 anyos at ang asawa nitong si Rowena Petate, 45 anyos na residente ng Barangay Miranda Talisay, Batangas.

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, ala-7:20 ng umaga noong Lunes habang nakaparada ang sasakyan ng mga biktima kasama ang kanilang dalawang anak sa sulok ng Laurel St. and J. Trinidad St. Brgy. Pob. 5 Talisay, Batangas, nang bigla silang nilapitan ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek.

Kaagad na binaril ng unang suspek ang biktimang si Restituto sa kanyang ulo na naging dahilan ng pagkamatay nito, habang hindi naman natamaan ng pangalawang suspek ang asawa ng biktima.

Agad na tumakas ang mga suspek matapos ang krimen.

Inaalam na ngayon ng mga awtoridad ang motibo ng naturang pamamaril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *