Negosyante sa Tuguegarao, Kalaboso sa pagbebenta ng iligal na droga

Kulong ang inabot ng isang negosyante sa Lungsod ng Tuguegarao matapos ang ikinasang operasyon ng mga awtoridad kahapon, ika-6 ng Mayo.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, kinilala ang suspek na si alyas “Lito”, 30-anyos, residente ng Brgy. Book, Sta.Rosa, Laguna at kabilang sa High Value Individual ng PNP.

Base sa ulat, pasado alas-6 ng gabi kahapon nang isagawa ang operasyon kung saan nagbenta ang suspek ng iligal na droga sa operatiba na nagpanggap na poseur buyer.

Nakuha mula sa kaniyang pangangalaga ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu, maging ang P20,000 na ginamit na boodle money, at isang cellphone.

Mahaharap ngayon si Lito sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *