New Clark City, bubuksan na ulit sa publiko makalipas ang dalawang taon

Bubuksan na muli sa publiko ng Bases Conversion and Development Authority o BCDA ang New Clark City sa Capas Tarlac.

Ito’y makalipas ang dalawang taon, buhat nang isara ito sa publiko at gawing medical at isolation facilities ang Athlete’s village para sa mga tinamaan ng COVID-19.

Kaugnay nito, ang BCDA katuwang ang MTD Philippines, ay may inihandang mga programa sa muli nitong pagbubukas sa darating na Sabado May 28, 2022.

Sisimulan ang program sa pamamagitan ng ceremonial bike ride and fun run, na inaasahang dadaluhan ng mga umuwing national athletes mula SEA games.

Sa gabi naman ay magkakaroon ng street party, kung saan tampok ang mga local bands and performers mula sa Central Luzon.

Maaalalang sa New Clark City ginanap ang 2019 SEA games.(BNFM PAMPANGA)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *