Newly-weds, nag liyab ang mga wedding outfits

May iba’t ibang pakulo ang mga mag-aasawa ngayon sa kani-kanilang mga kasal.

Kung ang iba ay pagandahan ng mga hashtag, at yung iba naman ay pa-bonggahan ng dance performance, ibahin niyo ang mag-asawang ito.

Nang matapos kasi ang wedding celebration, lumabas ng reception sina  Gabe at Ambyr nang suot suot pa rin ang kanialng outfits.

Inanyayahan rin nilang lumabas ang kanialng mga bisita dahil may surpresa sila.

Laking gulat ng mga guests nang  lumiyab ang bouquet ng bride at sumunod ang kanyang gown.

Nag-aapoy rin ang outfit ng groom na ikinatuwa ng lahat.

Napagalaman na sina Gabe at Ambyr ay parehong professional stunt doubles sa Hollywood movies.

Naisip nila itong pakulo na ito upang maging memorable ang kanilang wedding day.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *