NFA, nahihirapan sa pagbili ng palay dahil sa mataas na presyo

Kasalukuyang nahihirapan ang National Food Authority (NFA) sa pagbili ng palay sa panahon ng anihan.

Napansin kasi ni NFA OIC Administrator Larry Lacson na bumibili ng mas mahal na palay ang mga negosyante kaysa sa inaalok na presyo ng NFA.

Sa kabila nito, ikinatuwa naman niya na kumita nang mas malaki ang mga magsasaka at napakinabangan ang mga mataas na presyo ng mga traders.

Nilinaw rin ni Lacson na kahit mababa ang procurement, sapat pa rin ang suplay ng bigas sa bansa.

Samantala, bibisitahin naman ni Lacson ang Mindoro upang personal na i-monitor at mabantayan ang paghahabol nito sa procurement, na kasalukuyang nasa 6.48 percent accomplishment rate para sa quarter na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *