NFA So.Cot nakatutok sa palay procurement program

KORONADAL CITY – NAKATUTOK ngayon ang Natioanl Food Authority o NFA South Cotabato sa palay procurement program upang mapaigting pa ang bufferstock nito upang matulungan ang mga local rice farmers.

Inihayag ni NFA South Cotabato Branch Manager Hazel Solis na kailangan ng rehiyon 12 na mag-maintain ng 9 na araw na inventory o 300,000 na sako ng palay para sa bufferstock.
Umaasa naman si Solis na marami silang mabibiling palay sa darating na wet season harvest.
Ang NFA ay bumibili ng clean and dry palay sa presyong P 19 per kilo sa mga local individual farmers at accredited farmer organizations o cooperatives na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA.

Hinihikayat naman ng NFA ang mga local government units na magbigay ng premiums sa mga farmers na magbebentay ng kanilang aning palay sa NFA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *