Local News

NFA So.Cot umapela sa mga LGU na magpatayo ng mga post harvest facilities

KORONADAL CITY- UMAPELA ang National Food Authority o NFA South Cotabato sa mga local government units o mga LGU na magpatayo ng dagdag na mga post harvest facilities sa kanilang mga lugar.

Ayon kay NFA South Cotabato Branch Manager Hazel Solis na ito ay isang paraan upang matulungan ang mga local farmers at ang kanilang tanggapan.

Napag-alaman ayon sa opisyal na isa sa mga rason kung bakit hindi ng mga ito naabot ang target sa palay procurement ay dahil sa limitadong drying facilities.

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit hindi sila bumibili ng wet palay.

Hinihikayat din ni Solis ang mga LGU na kung maaari ay ipahiram sa mga magsasaka ang kanilang mga bakanteng lugar at mga solar dryers upang may mabiladan ng palay.

Dagdag pa nito na kung may ido-donate na lupa ang LGU, ito ay ide-develop ng NFA upang lagyan ng post harvest facilities, solar dryer o mechanical dryers.

BNFM Koronadal

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

7 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

7 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

7 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

8 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

8 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

8 hours ago