NGO volunteer wagi bilang kapitan VS 3 termer Mayor sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Mabigat ang laban pero nagtiwala sa kakayahan ng mga kasama at ng sarili.

Ito ang naging mensahe ni George Osea Garde Jr. 39-anyos, elected Punong Barangay sa San Rafael, Lagonoy, Camarines Sur  sa naging panayam ng Brigada News FM Naga matapos na magwagi laban sa three termer Mayor na si Delfin “Jun” Pilapil. Ang anak naman ng dating alkalde na si JB Pilapil III ay ang kasalukuyang Mayor.

Ayon kay Garde Jr, sana ay samahan siya ng mga kabarangay sa kaniyang termino  upang makapagsilbi ng maayos at magtagumpay bilang kapitan. Tuldukan aniya ang pagkakaiba ng kulay politika.

2010 nang makasama sa Non Government Organization na tumutulong sa mga bata ang Kapitan-elect. Hindi pa siya naging Sanguniang Kabataan Chairman o kagawad o kahit Barangay Kagawad kaya alam niyang lamang na lamang sa karanasan ang katunggali sa posisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *