NIA Bicol naglaan ng mahigit P40-milyon na pondo sa Camarines Sur ngayong taon

NAGA CITY – May mahigit 40 milyon o posibleng umabot pa ng 50 milyong piso ang pondong ibinubuhos ngayon ng National Irrigation Administration Bicol sa kanilang isinasagawang repair and maintenance sa ilang bayan sa Camarines Sur, lalo na sa may bahagi ng Partido area at ikatlong distrito ng lalawigan.

Ito ang pag-aayos ng mga sira ng irigasyon at pananatili naman sa mga bago nilang irrigation projects bilang isa sa mga hakbang ng ahensiya sa paparating na El Niño sa susunod na buwan, sa Pebrero.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Maria Cleofe “Ate Nikay” Baraero, Public Relation Officer ng NIA-Bicol sinabi niyang ito ang matagal nang hinihingi ng mga irrigators sa mga bayan-bayan na nangangamba na kung hindi agad maaayos ay posibleng maapektuhan ang kanilang pagtatanim.

Bukod sa Camarines Sur, ipinapatupad din ang kaparehong programa sa ibang lalawigang ng Bicol tulad ng sa Catanduanes at Masbate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *