NIA Bicol nagpadala na ng Augmentation Pump sa 5 bayan ng Camarines Sur na may kritikal na water level sa irigasyon

NAGA CITY –  Umabot na sa limang bayan sa Camarines Sur ngayong buwan ng Marso kabilang ang Pili, Balatan, Baao, Buhi, at Milaor ang naitalang apektado ng kritikal na lagay ng water level sa mga  irigasyon dulot ng matinding tag-init.

Ayon kay Ma. Cleofe Baraero, ang tagapagsalita ng National Irrigation Administration Bicol, katumbas nito ang nasa mahigit isang daang palayan na apektado.

Aniya’y bagaman mababa pa, dahil sa maagang nakuhang resulta mula sa monitoring ng ahensya madaling naaksyunan ito at nabigyan ng solusyon sa pamamagitan ng pagpapadala ng  mga augmentation pump.

Dagdag pa ni Barraero, ang mga apektadong palayan ay mayroon namang malapit na  mapagkukunan ng tubig subalit bumagsak sa critical level ang water sources dahilan nang hindi pagdaloy nito sa mga irrigation canal.

Kailangan ang augmentation pump upang hindi maapektuhan nang matinding init ang mga palay na nasa critical vegetative stage na nangangailangan ng tubig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *