NIA- Bicol patuloy ang paghahanda sa El Niño Phenomenon

NAGA CITY – Malayo pa man ang inaasahang El Niño Phenomenon ngunit may ilang lalawigan na dito sa rehiyong Bikol ang nagkakaroon na water shortage sa mga irigasyon, kabilang na sa Catanduanes at bahagi din ng Masbate, ayon sa pahayag ni NIA Regional Manager Gaudencio M. De Vera.

Sa kanyang pagharap sa media at sa Brigada News FM Naga sinabi niyang iilan lang ang water source nila sa naturang mga lalawigan kaya ngayon pa lang ay nagkukulang-kulang na ang tubig doon na supply sa mga taniman lalo na sa mga sakahan.

Malaki anyang problema ito, ayon sa opisyal, kaya ang isa sa solusyon na naiisp nila ay gumamit na ng solar power pump at alisin na ang paggamit ng electric pump na nagdudulot pa ng problema sa mga magsasaka dahil sa mataas na babayarin sa kuryente at sa gasolina,bukod pa diyan sa ilang makinarya na kanilang binili.

Sina De Vera at iba pang opisyal ng NIA Bicol ay nanguna sa ginawang backhoe distribution noong nakaraang araw at ipinamigay sa irrigators association para magamit ng mga ito sa kanilang sakahan. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *