CAMARINES NORTE- Tuloy-tuloy ang information dissemination ng National Irrigation Administration (NIA) kaugnay sa kanilang condonation program para malinis ang pagkakautang ng mga magsasaka.
Kahapon ay nagtungo ang mga tauhan ng NIA sa bayan ng Labo para sa naturang aktibidad na ginanap sa Labo Sports Complex.
Ayon kay Mar Villamonte, Information Officer ng NIA- Camarines Norte ang dumalo sa aktibidad ay mga magsasaka mula sa tatlong Barangay na sakop ng Matogdon RIS, ito ay ang Barangay Malasugui, Guinacutan at Bautista.
Pagkatapos nito ay sunod namang tinungo ang Barangay Napilihan sa bayan ng Vinzons para mag proseso ng application.
Una nang inihayag ni Villamonte na magpapatuloy pa rin ngayong taon ang condonation program habang wala pang panibagong anunisyo ang Pangulo.
Kaugnay nito ay patuloy na hinihikayat ng NIA ang lahat ng magsasaka sa National System mula sa mga bayan ng Daet, Vinzons, Talisay, Basud at bahagi ng Mercedes at Labo na nasa ilalim ng National irrigation system (NIS) na magtungo na sa kanilang opisina at i- avail ang programa.
Kinakailangan lang dalhin ang alinman sa mga sumusunod tulad ng Tax Declaration, EP, Certificate of Land Transfer at Certificate of Title.
Kung wala ng mga nabanggit na dokumento ay maaari umanong humingi ng certification sa Punong Barangay na magpapatunay na pag- aari ang lupa.
Kung tenant naman o taga gawa lang ay maaaring mag apply kasama ang valid ID ng taong magpo-proseso ng papel para sa condonation.
CAMARINES SUR — Negatibo sa isinagawang HIV Screening, Counseling, and Testing ang nasa dalawang daan…
NAGA CITY – Aarugain ng LGU-Naga lalo na ng City Social Welfare and Development Office…
Sikop sa mga sakop sa Los Amigos Police Station ang usa ka butane vendor atol…
NAGA CITY- Itinanggi ni Naga City Mayor Son Legacion ang umano’y pagtanggap niya ng payola…
KORONADAL CITY – TUTULONG si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go upang mapabuti pa ang serbisyo…
CAMARINES SUR- Sinang-ayunan ng ilang guro sa Camarines Sur ang iminumungkahi ng Department of Education…