NIA, magbebenta ng P29 kada kilong bigas sa Agosto

Inanunsyo ng National Irrigation Administration na magbebenta sila ng P29 kada kilo ng bigas simula Agosto.

Ayon kay NIA Administrator Eduardo Guillen, may inaasahan silang isang daang milyong kilong ani ng palay mula sa mga pinasok na kontrata sa farmer cooperative.

Pinasa na rin ng ahensya sa farmers group ang paggiling sa palay bilang dagdag na kita.

Ibebenta nila ang tig-sasampong kilong bigas sa mga kadiwa store sa Metro Manila, Cebu, at Davao.

Samantala, balak ng pamahalaam na bumuo ng rice production center sa mga bayan para maalis na ang mga kartel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *