NIA Sorsogon nagpaalala sa mga IAs hinggil sa mga alituntunin sa pangangalaga ng kanilang mga pasilidad

Nagpaalala ang  National  Irrigation Administration o NIA Sorsogon sa mga Irrigators’ Associations tungkol sa mga alituntunin sa pangangalaga ng kanilang mga pasilidad.

Sa joint meeting na isinagawa ng NIA Sorsogon sa pangunguna ni Engr. Edmundo Villaluz at mga kawani nito sa Operations and Maintenance at tatlong Irrigators’ Associations ng San Francisco sa bayan ng Bulan, ang Polot Bulan Irrigator’s Association, Somastaria Irrigator’s Association at Aquilala Irrigator’s Association, muling ipinaalala ng NIA ang Memorandum Circular 11 Series of 2021 o ang mga alituntunin na dapat sundin sa pangangalaga ng irigasyon sa buong lalawigan.

Ayon pa sa NIA mahigipit nilang ipinapaalala at ipinapatupad ang nasabing memorandum sa lahat ng mga IAs o irrigators’ associations upang maiwasan ang mga reklamo sa kanilang serbisyo.

Ayon naman sa ilang irrigator’s association, regular ang kanilang isinasagawang clean up drive sa nasabing mga pasilidad upang mapanatili ang kalinisan ng mga irrigation canal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *