NIA target makapagbenta ng P29 kada-kilo ng bigas sa Agosto

Sa paglalayong makapagbigay ng abot-kayang bigas sa publiko, plano ng National Irrigation Authority o NIA na magbenta ng bigas sa halagang 29 pesos kada kilo simula sa buwan ng Agosto.

Ayon kay NIA Administrator Eduardo Guillen, inaasahang makakapag produce ng 100 kilo ng bigas sa buwan ng Agosto sa pamamagitan ng proyektong contract farming ng NIA kasama ang mga irrigators association.

Ibebenta ang 29 pesos na bigas sa mga KADIWA store sa ilang key cities tulad ng Metro Manila.

Maaari namang limitahan ang bawat pamilya sa pagbili ng hanggang sampung kilo ng bigas.

Sinabi pa ni Guillen na ang pagbebenta ng murang bigas ng mga irrigators association ay bilang pasasalamat nila sa mga programa ng pamahalaan na kanilang napapakinabangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *