NIA, tiwalang magiging self-sufficient ang bigas ng Pilipinas sa taong 2028

Tiwala ang National Irrigation Administration na sa pagtatapos ng taong 2028 o sa termino ng administrasyong Marcos ay magiging self-sufficient ang bigas sa Pilipinas.

Ayon kay NIA acting administrator Engr. Eduardo Guillen kabilang sa kanilang mga plano para maisakatuparan ang layuning ito ay ang pagatatayo ng mga dam-reservoir at diversion type para magkaroon ng sapat na suplay ng tubig.

Mababatid na sinabi ng Department of Agriculture na target nila ang 100% self-sufficiency sa bigas para sa Pilipinas sa 2027 sa pamamagitan ng Masagana Rice Program.

Ang Masagana Rice Program ay naglalayon na patatagin ang suplay ng bigas ng bansa sa pagitan ng 24.99 milyong metriko tonelada hanggang 26.89 milyong MT.

Sa ilalim din ng panukala plano ng ahensiya na babaan ang inflation ng bigas sa mas mababa sa 1% taon-taon at pataasin ang kita ng mga magsasaka ng 54%.

Sinabi ng NIA na uunahin muna nila ang paghahanap ng sapat na tubig para matulunangan ang mga magsasaka ng palay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *