Ninakawan ng baon sa opisina, ipinatawag ng HR dahil sa baong “okoy”

Isang post sa Reddit ang nagpatuwa sa mga netizens kung saan ipinatawag ang isang empleyado sa Human Resource (HR) Department.

Ito’y matapos kainin nang walang pasabi ang kanyang baong lunch, na ipinalagay sa ref ng kanilang office.

Hindi kasi alam ng kumain na okoy pala ang baon, na naglalaman ng hipon.

Dahil dito, nagkaroon ng allergic reaction ang nagnakaw ng pagkain kaya’t ipinatawag ng HR ang totoong may-ari.

Reklamo nito, siya (yung may-ari ng baon) ang naging rason ng “near death experience” ng ka-work niya.

Aniya, dapat daw ba na bago siya magbaon ng pagkain ay itanong niya muna sa “katrabaho niyang magnanakaw” kung allergic sila?

Napatawa na lang ang mga netizens at sinabing “Ikaw na nga ninakawan ng baon, ikaw pa may kasalanan.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *