NLEX, itinanggi na nagkaroon ang RFID ng sira kaya naipon ang mga sasakyan sa toll gates

Nilinaw ni NLEX Traffic Operations head Robin Ignacio na hindi naman sira ang RFID noong Holy Week, dahilan para humaba ang pila sa mga toll gates, lalo na noong Holy Wednesday.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Ignacio, sinabi nitong may mga determining factors kung bakit ito nangyari.

Binigyang-diin din ni Ignacio na wala namang naging problema noong Huwebes Santo,

Nagkataon lang din aniya na naging sobrang dami ng bilang ng mga sasakyan noongv Miyerkules kaya hindi talaga maiiwasan ang pagbagal ng daloy sa mga toll gates.

Mababatid na pagpapaliwanagin ng Kamara ang pamunuan ng NLEX matapos ang umano’y aberya sa RFID.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *