NNC Bicol kinilala ang mga nakatuwang sa pagpapababa ng kaso ng malnutrisyon sa rehiyon sa kabila ng pandemya

BICOL—Binigyang pagkilala ng National Nutrition Council (NNC) Bicol ang lahat ng mga nakatuwang nito para mapababa ang kaso ng malnutrisyon sa rehiyon sa kabila ng nararanasang pandemya.

Sa isinagawang awarding ceremony nitong Miyerkules ay kabilang sa mga nabigyan ng pagkilala ang 2019 Regional Outstanding Barangay Nutrition Scholar na si Emily N. Atienza ng barangay Bay, Ligao Albay, first runner up naman si Rosalie Noora ng Cararayan, Naga City at second runner up si Norie Olitan ng Libod, Camalig Albay. Panalo rin bilang best local nutrition action officer si Maricel Mapusao ng Pilar Sorsogon at best program coordinators sina Grace Jardin ng Sorsogon province para sa local district category at Russel Reis ng Guinobatan, Albay para sa municipal category.

Nakuha naman ng Naga City ang Merit Award para sa Consistent Effective and Efficient Nutrition Program Implementation habang ang mga bayan ng Pilar, Castilla at Bulusan sa Sorsogon ang nakakuha ng Green Banner Seal of Compliance Award.

Ayon kay NNC Bicol Coordinator Arlene Reario, ito ay bilang pagkilala sa mga sakripisyo at kontribusyon ng tinawag nilang mga nutrition champions para mapigilan ang pagtaas ng kaso ng malnutrisyon sa rehiyon kahit nasa gitna ng pandemya.

Sa kabila anya ng mga hamon na dulot ng COVID-19 pandemic ay nagawa pa ring mapababa ng 2% ang kaso ng stunting o pagkabansot at wasting sa rehiyon. Pinuri rin ni Reario ang mga LGU leaders na gumawa ng mga hakbangin upang matiyak ang sapat na pagkain at nutrisyon sa mga mamamayan nito kahit nasa gitna ng krisis.### ||slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *