No. 1 MWP ng Casiguran PNP, arestado sa SACLEO

Inaresto ng Casiguran Municipal Police Station ang kanilang rank No. 1 most wanted person sa kanilang ikinasang simultaneous anti-criminality law enforcement operation o SACLEO sa Sitio Patag, Brgy Casay, Casiguran, Sorsogon.

Kinilala ang akusado na si Jomar Palacio Haloc, 33-anyos, may asawa, backhoe operator at naninirahan sa nasabing barangay.

Hinainan ito ng kanyang warrant of arrest na inisyu ng RTC Br 52, Sorsogon City sa kasong murder na walang itinakdang piyansa.

Ang krimen ay naka-docket sa ilalim ng Criminal Case No. 2008-7344 na may petsang Setyembre 13, 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *