No. 9 Most Wanted Person ng Juban Police, arestado sa Las Piṅas City

SORSOGON CITY – Arestado sa lungsod ng Las Piṅas ang Rank No. 9 ng Manhunt Charlie ng Juban Police dakong alas 9:38 ng umaga kahapon, Hunyo 9.

Sa ibinahaging impormasyon sa Brigada News FM-Sorsogon ng Juban Police, ang nasabing most wanted person ay nahuli sa Brgy Pulang Lupa ng nasabing lungsod.

Kinilala ang akusado na si Noe Estrada Orellano, 53-anyos, may asawa, laborer at residente ng Brgy Bacolod, Juban, Sorsogon.

Inaresto si Orellano ng pinagsanib na personahe ng Juban Police at Las Piṅas Police sa bisa ng ibinabang warrant of arrest ng 5th Judicial Region RTC Br 52 dahil sa krimeng Rape (2 counts). Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantala niyang kalayaan.

Nabatid na ang biktima nito ay kanya lamang na pinsan.

Sa kasalukuyan ay ibinibiyahe na ito pabalik ng Sorsogon at nakatakdang ipresenta sa issuing court para sa kaukulang disposisyon.

PHOTO exclusive for Brigada News FM-Sorsogon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *