No Backer System sa recruitment ng 9th Infantry Division Philippine Army ayon sa DPAO Chief

NAGA CITY – Tuloy ang pagkakaroon ng recruitment ng 9th infantry Division, Phil Army para sa magiging bagong mga sundalo na ang mga aplikante ay hindi na kailangan pang pumila sa division,dahil may binuksan ng online portal sa mga ito.

Sa pagharap sa media at sa Brigada News Fm Naga ni Army Major Frank Roldan,Spokesperson at Head ng Division of Public Affairs Office, kaugnay sa pagdiriwang ng ika-127 Anniversary ng Philippine Army, sinabi niya sa ganitong paraan ay maiiwasan din ang mga haka-haka na may palakasan na nangyayari sa pag aproba ng mga aplikasyon.

Nilinaw pa ng opisyal na “No Backer System” sa division dahil ang lahat ay magde depende sa kakayahan ng aplikante mula sa written,oral at physical examination na isinagawa nila sa mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *