‘No handshake’: Ukraine, Russia delegations nagharap na para sa peace talks

Sinalubong ni Turkish President Tayyip Erdogan ang mga delagasyon sa Ukraine at Russia para sa kanilang kauna-unahang face-to-face talks.

Sa ulat ng isang Ukrainian television, sinimulan ang negosasyon ng “cold welcome” at walang handshake sa pagitan ng mga negosyador.

Sa gitna nito, umaasa ang Ukraine at ang United States na magkakaroon ng immediate breakthrough.

Ang face-to-face talks ay mahalagang unang hakbang tungo sa ceasefire ng Russian invasion, na nagresulta ng paghihirap ng mga sibilyan lalo na ang mga na-trap pa sa loob ng Ukraine.

Kaugnay nito, ang pinakamalaking pag-atake sa European nation simula noong World War Two, ay nagresulta rin ng paglikas ng nasa mahigit 3.8 million katao, papunta sa ibang mga bansa. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *