No Movement Policy sa mga poultry, poultry products, ipinatutupad sa So.Cot

KORONADAL CITY- IPINAGBABAWAL ang pagbiyahe o movement ng mga pato, pugo, domestic fowls, game fowls at mga produkto at by-products nito katulad ng karne, itlog, at manure sa lalawigan ng South Cotabato matapos na nakapagtala na ng confirmed case ng bird flu ang Tacurong City, Sultan Kudarat.

Ito ang inihayag ni Dr. Byron Dela Cruz, Veterinarian IV ng Provincial Veterinary Office o PVet batay sa Executive Order (EO) No. 14 series of 2022 na nilagdaan ni Governor Reynaldo Tamayo Jr noong Marso 14, bilang preemptive measure upang mapigilan ang pagpasok at pagkalat ng naturang sakit sa mga ibon at poultry sa probinsya.

Nakasaad din sa EO ang ban sa entry ng lahat ng domesticated fowls at wild birds na mula sa labas ng South Cotabato.

Bawal din ayon kay Dela Cruz ang sabong ng mga manok.

Regulated naman ang movement ng mga commercial farms at required ang mga ito ng magpakita ng Avian Influenza o AI negative test at AI-free certificate.

Inaatasan din ang lahat ng mga local chief executives na i-reactivate ang AI Task Force, paigtingin ang pagbabantay sa mga checkpoints, sanitation standards sa mga dressing plants, at mga public markets, at farms sa kanilang lugar.

Ang No Movement Policy sa mga domestic poultry ay magtatagal ng 30 araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *