‘No Movement Sunday’, inalis na sa Koronadal

KORONADAL CITY —INALIS na ang deklarasyon ng ‘No Movement Sunday’ sa lungsod ng Koronadal.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay City Mayor Eliordo Ogena, kinumperma nito na may mga ikinonsidera sila sa pag-alis ng No Movement Sunday na kinabibilangan ng mga informal workers na “no work, no pay”, mga tricycle drivers na walang kita kung walang biyahe at maraming iba pa.

Ikinonsidera din umano nila ang mga nagsisimba sa araw ng linggo.

Maliban dito, sinabi ng alkalde na kahit No Movement ang araw ng Linggo, makikita din na dumarami ang mga lumalabas pagdating ng Lunes.

Matatandaan na ideneklarang No Movement Sunday sa lungsod ang nakaraang dalawang araw ng Linggo na kinabibilangan ng Hunyo 13 at 20.

Ngunit nilinaw ni Ogena na mananatiling nasa General Community Quarantine ang lungsod hanggang Hunyo 30 habang siyam na lugar ang isinailalim sa granular lockdown.

Apela nito sa publiko na sundin pa rin ang basic health protocols laban sa Covid-19 upang maging tuloy-tuloy na ang pagbaba ng kaso ng nasabing sakit sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *