No Plastic, No styro policy mahigpit nang ipapatupad sa loob ng campus ng isang pribadong eskwelahan sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Mahigpit nang ipapatupad ang “ No plastic, No styro policy sa loob ng Campus ng La Consolacion College sa Daet Camarines Norte.

Ayon sa pamunuan ng eskwelahan “effective immediately” ang polisisya makaraang magpalabas ito ng kautusan noong Biyernes, January 6 sa pamamagitan ng Office of the Prefect of Discipline na pirmado ni Aaron Saludes at School President at Principal Sr. Angelita Sagun, OSA.

Sa ilalim ng kautusan mahigpit na ipinagbabawal ang disposal ng Styrofoam o polystyrene foam at single- use plastic sa loob ng campus upang maiwasan ang masamang epekto nito sa kapaligiran at kalusugan ng lahat ng school personnel, staff at higit sa lahat sa mga estudyante.

Ang lahat ng personnel, staff at estudyante ay hininihayat na personal na magdala ng kanilang pagkain na nakalagay sa containers at maging ng sariling inuming tubig.

Ang mga biniling pagkain at inumin na nakalagay sa plastic o sa Styrofoam ay dapat i- consume bago pumasok sa gate.

Layon ng polisiyang ito na ma- institutionalize ang basura at ipalaganap ang pag iwas sa paggamit ng single- use disposable products at packaging materials tulad ng plastic bags, straws, spoons, forks at styro cups and plates sa loob ng campus.

Ang paghihigpit na ito ng eskwelahan ay alinusnod sa Solid Waste Management Act of 2000 at Municipal Ordinance na inaprobahan ng LGU Daet noon pang 2013.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *