No sail policy nakataas na sa lalawigan ng Camarines Norte dahil sa bagyong Dante

CAMARINES NORTE- Nakataas na ang No sail policy sa lalawigan ng Camarines Norte dahil sa Tropical Storm Dante kahit mainit pa ang lagay ng panahon.

Batay sa Sea Travel Advisory ng Philippines Coast Guard Station na inilabas kaninang umaga, hindi na pinapayagan ang paglalayag ng kahit na anong uri ng sasakyang pandagat ngayong araw dahil nasa ilalim na ng Tropical Cyclone Warning Signal Number 1 ang lalawigan.

Alinsunod umano ito sa Memorandum Circular patungkol sa Guidelines on Movement of Vessels during heavy weather.

Gayunman, nananatili pa rin ang biyahe ng pampasaherong bangka sa bayan ng Mercedes.

Pinapayuhan naman ang mga mangingisda na ipagpaliban muna ang pagpalaot upang makaiwas sa posibleng disgrasya.

Inaasahang kikilos ang bagyong Dante sa pangkalahatang direksyon na northwestward hanggang bukas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *