NoKor, nagbabala sa mangigialam sa kanilang satellite operation

Nagbabala ang North Korea sa sinumang bansa na mangingialam sa kanilang satellite operation.

Ayon sa Pyongyang, ang panghihimasok sa kanilang operasyon ay nagsisilbing deklarasyon ng digmaan.

Sa inilabas na statement ng North Korea partikular nitong pinangalanan ang Estados Unidos at sinabing gagawa sila ng hakbang para ipagtanggol ang kanilang bansa laban sa espiya ng US.

Nabatid na idineklara ng Pyongyang nitong November 21 na matagumpay silang nakapaglunsad ng military spy satellite.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *