Non-contact sports at personal care services, patuloy na ipatutupad sa GCQ sa NCR Plus

Patuloy na papayagan sa mga lugar na napasailalim ng General Community Quarantine “with heightened restrictions” ang non-contact sports at personal care services.

Sinabi sa mga panuntunan na inilabas ng Palasyo na kabilang sa pinapayagan pa rin ay ang pagdaraos ng outdoor contact sports, mga laro, at scrimmages.

Ipinaliwanag rin sa heightened restrictions guidelines sa NCR Plus na patuloy na papayagan ang operasyon ng personal care services sa 30% capacity.

Gayunman, sinabi ng Palasyo na hindi dapat required sa mga nasabing serbisyo ang pagtatanggal ng face mask katulad na lang sa mga salons, parlors, at beauty clinics.

Matatandaan na mula modified enhanced community quarantine ay ibinaba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa general community quarantine ang NCR Plus na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna simula sa May 15 hanggang May 31.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *