“Non-Essential Travel” hindi muna pinapahintulutan sa lalawigan ng Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Sa pamamagitan ng Executive Order na ipinalabas ni Governor Edgardo Tallado ay hihigpitan ang pagpapapasok partikular na sa mga Non-essential travels kung saan pansamantalang hindi pahihitulutan ang pagbisita ng mga taong magmumula  sa labas ng probinsya.

Sa ipinalabas na  Exectuive Order mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng mga turista mula o galing sa labas ng probinsya

Ang kapasyahang ito ay bunga ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte lalong higit sa NCR plus.

Nakasaad rin sa kautusan na ang pahihintulutan lamang na makapasok ay ang mga “Essential Travel”  o yaong may kinalaman sa Emergency, Government Transaction, at mga Travel na may kinalaman sa kanilang mga trabaho.

Ngunit kinakailangang may maipapakitang kumpletong requirements gaya ng negatibong resulta ng ANTIGEN TEST sa bawat indibidwal at negatibong resulta ng “saliva test” mula sa laboratory ng Philippine Red Cross na kinuha isang araw bago pumasok o bumiyahe sa probinsya

Ang kautusan ay naging epektibo simula April 19, 2021 habang wala namang nakatakdang petsa kung hanggang kalian magtatagal ang implementasyon nito

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *