Nonie Buencamino, minsan nang nakwestyon ang kanyang pananalig sa Panginoon

Aminado ang veteran actor na si Nonie Buencamino na marami pa rin siyang mga katanungan para sa Panginoon matapos ang mga nangyari sa kanyang buhay.

Sa ginanap na media roundtable ng teleserye na “Huwag Kang Mangamba” kahapon ay sinabi niya na naramdaman niya na nasubukan ang kanyang pananalig sa Panginoon noong panahon na nawalan siya ng mahal sa buhay.

Ang tinutukoy ng aktor ay ang pagpanaw ng kanyang anak na si Julia Buencamino noong 2015.

Sinabi ni Nonie na nakwestyon niya noon ang kanyang pananalig dahil tila napabayaan siya ng Panginoon nang mawala ang kanyang mahal sa buhay.

Gayunman, ayon kay Nonie, hindi siya tumigil sa pagdarasal sa Panginoon para humiling ng lakas ng loob na harapin ang sakit na kanyang nararamdaman mula sa pagkawala ng kanyang anak.

Ipinunto ni Nonie na kahit marami siyang katanungan sa Panginoon ay hindi ibig sabihin nito na hindi na siya naniniwala.

Mababatid na patuloy na napapanuod ang programa ng ABS-CBN na “Huwag Kang Mangamba” tuwing gabi sa free TV sa pamamagitan ng TV5 saan man bahagi ng Pilipinas.

Kabilang rin sa nasabing teleserye ang tinaguriang “Gold Squad” na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri, at Seth Fedelin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *