Nora Aunor, naturukan na ng COVID-19 vaccine

Naturukan na ang veteran actress na si Nora Aunor ng COVID-19 vaccine.

Ayon sa ilang ulat, natanggap ni Ate Guy ang Sinovac vaccine.

Makikita naman sa post ng Eastwood City ang litrato ni Ate Guy kung saan ay may suot ito na face mask at shield habang naka-thumbs up.

Noong May 21 lang ipinagdiwang ni Nora ang kanyang ika-68 kaarawan.

Pasok ang Walk of Fame inductee sa A2 o sa senior citizens category ng priority list sa vaccination program ng gobyerno.

Kabilang rin sa nasabing kategorya ang mga celebrities na sina Gloria Diaz at Willie Revillame na una nang nagpaturok ng COVID-19 vaccine. (RAMAK KOWSARI)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *