North Korea President Kim, nakatanggap ng kotse mula kay Press. Putin

Nakatanggap ang pinuni ng North Korea na si Kim Jong Un ng isang sasakyan mula sa presidente ng Russia ni si Vladimir Putin.

Binigay ito ng Russian president bilang regalo na maari niyang gamitin para sa mga personal nitong lakad.

Nabatid na mayroong malapit na ugnayan ang dalawang bansa mula noong nagkita sina Kim at Putin noong Setyembre habang lumalalim ang kanilang international isolation sa digmaan ng Russia sa Ukraine, at sa pagbuo ng mga sandatang nuklear.

Lubos namang nagpasalamat kay Putin ang kapatid ni Kim  na si Kim Yo Jong, at sinabing nagpapatunay lamang ito na malakas at matatag ang relasyon ng dalawang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *