NPA sumurender sa 22nd IB sa Sorsogon

SORSOGON CITY – Nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang kasapi ng New People’s Army (NPA) na mula sa Bulan, Sorsogon.

Kasamang ibinaba nito ang kanyang armas na isang M16 rifle, kalibre 38 na revolver at isang improvised hand grenade.

Si alias ‘Gorio’ ay masayang tinanggap ng commander ng 22nd Infantry Battalion na si Ltc. Nelson Mico. Ito umano ay nasa hanay ng National Communication Operations ng Bicol Regional Party Committee (BRPC).

Sa pahayag ng rebelde, nagpasya umano siya na sumurender matapos na malaman nito ang tungkol sa patuloy na pagsurender ng kanyang dating kasamahan sa hukbo simula pa noong Enero 2021.

Si ‘Gorio’ ay sumurender sa nasabing batalyon dakong alas 10:00 ng umaga noong Linggo.

Kasabay ng pagsurender ni ‘Gorio’ ay ang pagkakubkob naman ng 31st Infantry Battalion ng aabot sa 25 kubol ng NPA sa bayan ng Donsol, Sorsogon.

Samantala, Linggo din ng umaga nang sumabog ang isang anti-personnel mine sa Brgy Anas sa lungsod ng Masbate na ikinasawi ng isang kilalang atleta sa soccer football at ang pinsan nito at ikinasugat ng isang menor-de edad na ka-pamilya ng mga biktima.

Sinundan ito ng dalawa pang pagsabog at pagkarekober ng isang bomba sa Brgy Mapiṅa, Masbate City nang makasagupa ng tropa ng pamahalaan ang mga NPA sa ikinasang hot pursuit operations matapos ang nabanggit na roadside bombing.

PHOTOS: Kalinaw News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *