NSA Año: kailangan ng aksyon sa nagsabing may ‘phone call’ sa pagitan ng China at ng WesCoM

Nanawagan ang National Security Council (NSC) sa Department of Foreign Affairs (DFA) na bigyan ng nararapat na aksyon ang mga tauhan Chinese Embassy na nagsasabing may naganap na ‘phone call’ sa pagitan ng China at ng isang minitary offcial.

Ito umano ay dahil sa paglabag sa batas ng Pilipinas, lalo na sa Anti-Wiretapping Act, at iba pang diplomatic protocols.

Sa inilabas na pahayag ni NSA Sec. Eduardo Año, sinabi nitong ang paulit-ulit na pagpapakalat ng disinformation, misinformation, at malinformation ay hindi dapat palampasin nang wala man lang parusa.

Sinabi rin nito na mainaw na ‘serious breaches of the basic norms’ sa international relation at diplomacy ang ginagawa ng PRC Embassy.

Naniniwala ang ahensya na dapat nang mapaalis sa bansa ang mga indibidwal at opisyal sa embahada ng China na nasa likod ng mga paglabag sa batas ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *