NSC, na tapatan ng aksyon ang napagkasunduan sa bilateral consultation hinggil sa WPS

Umaasa ang National Security Council o NSC na sumunod ang China sa napagkasunduan na magkaroon ng mas malalim na konsultasyon at pahupain ang tensyon sa West Philippine Sea.

Sa Bagong Pilipinas program, sinabi ni NSC Asst. director General Jonathan Malaya na sana’y tapatan ng China ng aksyon sa ground ang napag usapan sa pagitan ng Philippine government at ng China government, dahil hindi naman interes ng dalawang bansa na tumaas ang tensyon sa West Philippine Sea.

Nabatid na nagkaroon ng bilateral consultation mechanism ang Pilipinas at China noong nakalipas na linggo.

Ang pahayag ni Malaya ay kaugnay sa panibagong insidente ng panghaharass ng China Coast Guard sa mga mangingisdang Pilipino.

Kung saan mariin din itong kinokondena ng NSC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *