NSC, naalarma sa paggamit ng cyanide ng mga Chinese fishermen sa WPS

Naalarma ang National Security Commission o NSC sa ulat na gumagamit umano ng cyanide ang mga Chinese fishermen sa Bajo de Masinloc.

Ayon kay NSC Asst. Director General Jonathan Malaya, inatasan na nila ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR na magsagawa ng documentation, mangalap ng ebidensya at mag sumite ng post mission report sa National Task Force for the West Philippine Sea.

At kapag may matibay na ebidensya, saka nila ito ipapasa sa Department of Justice at sa Office of the Solicitor General na sila namang gumagawa ng hakbang para mapalakas ang planong pagsasampa ng kaso sa international tribunal.

Aminado si Malaya, na hamon sa kanila ngayon ang makakalap ng matibay na ebidensya na magpapatunay na ang pagkasira ng mga corals sa bahagi ng Bajo de Masinloc ay kagagawan ng isang tao o bansa.

Binigyang diin nito na mahalaga na may hawak tayong solidong ebidensya para tumayo ang kaso sa korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *