NSC, PCG: hindi hinaharang ng China ang hydrographical survey sa WPS

Nilinaw ng National Security Council at Philippine Coast Guard na hindi hinaharang ng China ang nagpapatuloy na hydrographical survey sa West Philippine Sea.

Paglilinaw ito ng dalawnag ahensiya sa ulat na umano’y may stand off sa pagitan ng barko ng Philippine Coast Guard, NAMRIA vessel at ng China Coast Guard.

Ayon kay NSC Asisstant Director General Jonathan Malaya, dahil sa hydrographic survey ay kinailangang huminto ng barko ng NAMRIA at ng bantay nitong barko na BRP Gabriela Silang.

Dahil umano dito, humihinto rin ang barko ng China na nakabuntot sa mga barko ng Pilipinas.

Ang hindi paggalaw ng barko ang napagkamaan umanong stand off ng security analayst na si Ray Powell na hindi alam ang actual na nangyayari sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *