NSC – pumalag sa travel advisory ng Canada vs PH

Hindi sang-ayon ang National Security Council o NSC sa travel advisory na inilabas ng gobyerno ng Canada kung saan pinaiiwas nila ang kanilang mga residente sa Pilipinas partikular sa ilang lugar sa Mindanao dahil sa umano’y mga krimen, terorismo, at kidnapping

Sa isang pahayag, binigyan-diin ni NSC Adviser Eduardo Año na mayroong significant improvements sa sa sitwasyon ng seguridad sa bansa, kabilang ang Mindanao, sa mga nakalipas na taon, lalo na pagkatapos ng paglagda ng peace agreement sa pagitan ng mga Moro rebels.

Binanggit din niya ang kamakailang resulta ng Global Terrorism Index at ng Global Peace Index noong 2023

Nagpatupad din umano ang pamahalaan ng comrehensive measures upang mapahusay ang kapayapaan at seguridad sa Mindanao at pagresolba ang ugat ng karahasan at rebelyon kasama ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na nilikha sa ilalim ng Bangsamoro Organic Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *