Local News

NTC patuloy na nagbibigay babala sa publiko kaugnay ng naglipanang personalized text scam

Patuloy ang ahensya ng National Telecommunication Commission (NTC) sa pagbibigay babala sa publiko kaugnay ng kasalukuyang naglipanang mga text scam.

Ayon kay kay Engr. Ryan De la Cruz ng National Telecommunication Commission (NTC) Regional Office V, sa panahon ngayon ay mas dapat na magdoble ingat ang publiko dahil kasama ng pag-evolve ng teknolohiya ay nagiging personalized na ang mga text scams kung saan pinapangalanan na ang pinadadalhan ng text kaiba sa mga text scam tatlong taon na ang nakakaraan na generic ang approach na ginagamit ng mga scammers.

Kaugnay nito, paalala ng ahensya sa publiko na maging mapanuri at sakaling makatanggap ng text scam ay huwag na lamang itong pansinin, huwag sagutin at huwag sundin ang mensahe.

Maaari din umano itong ireport sa kanila sa pamamagitan ng pag-email sa kontratextscam@ntc.gov.ph kung saan dapat na nakalagay sa sulat ang pangalan, contact number at address gayundin ang inirereklamong cellphone number at ang screen shot ng text scam at mag attached ng government issued ID. Puwede din magreport sa website ng kanilang ahensya. Una rito, sinabi ng opisyal na text scam ang isang text kung ito ay nag-aalok ng pabuya, pera, o trabaho at mayroong clickable weblink.

BNFM Sorsogon

Recent Posts

Sandy Cays na bahagi ng Pag-asa island sa WPS, nasa ‘degraded state’ na

Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…

21 hours ago

RTWPB – inumpisahan na ang pagre-review sa mga sahod

Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…

21 hours ago

Championship games sa Palarong Bicol 2024 – nauwi sa rambulan

NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…

21 hours ago

Inaasahang rollback sa susunod na linggo – nadagdagan pa ng hanggang sa humigit-kumulang isang piso

Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…

21 hours ago

PNP, muling dinepensahan ang pag-aresto sa ‘Mayo Uno 6’

Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…

21 hours ago

Defense chiefs ng PH, Japan, US, at Australia – kinundena ang harassment ng China sa WPS

Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…

22 hours ago