NTC, pinagaaralan na ang inihaing apela ng SMNI

Pinagaaralan na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga inahaing apela ng Sonshine Media Network International (SMNI) kaugnay sa suspensiyon ng operasyon nito.

Ito’y matapos maghain ang SMNI ng mosyon para sa Bill of Particulars kung saan hiniling nila sa NTC na tukuyin at idetalye ang mga paglabag sa Certificate of Public Convenience nito at ilakip ang dokumentaryong ebidensya.

Ipinaliwanag ng SMNI na ang kautusan, na may petsang Disyembre 19, 2023, ay hindi tinukoy ang paglabag nito nang magpataw ang NTC ng 30 araw na suspensyon sa kanilang operasyon.

Maalanag sinuspinde ng NTC ang operasyon ng SMNI matapos makatanggap ng kopya ng isang resolusyon mula sa House of Representatives na nagsasabing nagpapakalat ito ng maling impormasyon, naglipat ng shares nang hindi aprubado ng Kamara, at hindi pag-aalok ng hindi bababa sa 30% ng natitirang stock nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *