NTF-ELCAC, nagpaliwanag kaugnay sa bilyon-bilyong anti-insurgency funds na inalaan sa Davao region

Itinanggi ng Department of the Interior and Local Government ang alegasyon na gagamitin ang bilyon-bilyong piso anti-insurgency funds nito sa Davao City para sa 2022 polls.

Nitong Lunes ay kinumpirma ng dalawang government bodies na nakatanggap ang Davao Region ng P4.3-billion ng P16.24-billion na pondo para sa anti-insurgency campaign ng gobyerno kabilang na ang P1.64-billion na nakalaan para sa Davao City, na hometown ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay National Task Force to End Local Communist Armed Conflict spokesperson Joel Egco na hindi pinaboran ng gobyerno ang Davao nang naglaan ito ng bilyon-bilyong pondo sa lugar.

Pero sinabi ni Egco na karamihan ng mga barangay sa Davao City ay nalagay sa impluwenesya ng mga communist terrorists.

Ipinunto ni Egco na apat mula sa limang guerilla fronts ang nago-operate sa Davao region.

Sa ilalim ng Barangay Development Program, ay mabibigyan ng P20-million na halaga ng iba’t-ibang mga proyekto ang mga barangay na maituturing na cleared mula sa impluwensya ng mga komunista.

Samantala, tiniyak naman ni DILG acting spokesperson Odilon Pasaraba na meron na silang accountability mechanisms na nakahanda kung saan ay mismong ang recipient barangays mismo ang gagastos sa matatanggap nilang pondo at hindi ang DILG o NTF-ELCAC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *