NTF-ELCAC, tiniyak na hindi aabusihin ang Anti-Terror Law

Tiniyak ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC na hindi nila aabusuhin ang Anti-Terrorism Act of 2020.

Sa pulong balitaan matapos ang kanilang unang executive committee meeting, sinabi National Commission on Indigenous People chairperson Allen Capuyan na hindi nila iwe-‘weaponize’ ang ATA.

Makasisiguro aniya ang publiko na sa puntong ito – magkakaroon ng ‘balanced direction’ ang bagong pamunuan ng Anti-Terorrism Council.

Matatandaang nabatikos noon ng iba’t ibang grupo ang hakbang ni dating National Security Adviser Hermogenes Esperon na ipasara ang ilang mga websites kabilang na ang independent media news outlets dahil sa ‘di umano’y ugnayan nito sa mga komunistang rebelde.

Tugon dito ng kasalukuyang NSA na si Clarita Carlos – isinasailalim na ito ngayon sa masusing review ngunit tumanggi na muna itong magkumento dahil sa ilang mga legalidad sa isyu.

Sa huli, muling tiniyak ni Carlos na wawakasan na ang red-tagging ‘o ‘yung pag-uugnay sa ilang grupo o indibidwal sa mga komunistang rebelda nang walang sapat na ebidensya at basehan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *