NTF-ELCAC, wi-nelcome ang criminal case laban sa 2 environmental activists

Wi-nelcome ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC ang rekomendasyon ng Department of Justice sa pagsasampa ng kaso laban sa dalawang environmental activists na sina Jhed Tamano at Jonila Castro.

Nauna nang ibinasura ng DOJ ang reklamong perjury laban sa dalawang aktibista pero inirekomenda na kasuhan sila ng Grave Oral Defamation.

May kaugnayan ito sa naging pahayag nila na dinukot sila ng mga sundalo.

Magugunitang September 2023 nang ipalabas ng NTF-ELCAC na sumuko ang dalawa sa 70IB sa Doña Remedios Trinidad sa Bulacan.

Subali’t itinanggi ng dalawa na sila ay sumuko at nanindigan na dinukot sila.

Sa isang pahayag sinabi ni NTF-ELCAC Executive Director, USec. Ernesto Torres Jr. , na bagama’t hindi na sila nabigla sa pagbasura ng kasong perjury laban kina Castro at Tamano, malugod naman nilang tinatanggap ang hakbang ng state prosecutors sa paghahain ng kaso laban sa dalawa.

Patunay aniya ito ng proactive action ng pamahalaan na magsisilbing paalala sa kanilang shared commitment sa pagpapatupad ng mga batas para sa kaayusan ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *