Nuclear deal ng PH-US, dapat ibasura – Makabayan bloc

Kinontra ng mga miyembro ng Makabayan bloc ang nilulutong civil nuclear cooperation deal sa pagitan ng Pilipinas at ng Amerika.

Matatandaaang ang naturang usapan ay bahagi sa inanunsyo ni US Vice President Kamala Harris sa kanyang pagbisita sa Pilipinas.

Sa isang pahayag, sinabi ni House Deputy Minority Leader, ACT Teachers party-list Rep. France Castro na sa oras na ituloy ang deal – magkakaroon lamang ng legal na basehan ang Amerika para mag-export ng mga nuclear equipment dito sa bansa.

Aniya, maaari lang daw maging ‘guinea pigs’ ang mga Pilipino kapag nagkaroon na ng technology testing ang mga Amerikano.

Kinundena rin ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang panukalang pagtatayo ng mas maraming base ng American Military sa bansa sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.

Aniya, magreresulta ito ng mas maraming deployment ng mga tropa ng Estados Unidos sa bansa.

Naniniwala rin si Brosas na ang pagbisita ngayong araw ni Harris sa Palawan ay magiging isang ‘provocative gesture’ lamang sa China.

Giit ng mambabatas, makadaragdag lamang ito sa mainit nang tensyon na umiiral sa mga pinagaagawang teritoryo.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *