NUJP: may higit 100 na karahasan sa media sa ilalim ng administrasyong PBBM

Umabot sa 109 ang bilang ng naitalang insidente ng karahasan at banta laban sa mga mamamayag sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ang naturang bilang ay 47% na mas mataas kumpara sa kaparehong period noong pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Dahil dito ay nanindian ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) malayo pa sa tunay na pagiging malaya ang press freedom sa Pilipinas.

May mga pinatay pa rin umanong mga tauhan ng media sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, kung saan ang iba sa mga ito ay highest-profile – gaya ng kaso ng broadcaster na si Percy Lapid na hanggang ngayon ay hindi pa rin nareresolba.

Samantala, wine-welcome naman ng samahan ang inaasahang pagbisita ni UN Special Rapporteur Irene Khan.

Target maibahagi ng NUJP sa opisyal ang press situation ng bansa, at umaasa rin ito na makapagbibigay si Khan ng mga rekomendasyon para sa mas malayang pamamamahayag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *