Number 88 jersey ni PBA Legend Asi Taulava, ireretiro ng NLEX

Nakatakdang iretiro ng NLEX Road Warriors ang number 88 jersey ni PBA Legend Asi Taulava.

Ibig sabihin, tanging si Taulava lamang ang makagagamit ng number 88 jersey sa NLEX bilang pagkilala ng koponan sa husay ng 6’9 foot center player.

Inanunsiyo ng Road Warriors na magaganap ang retirement ceremony sa half-time break ng sagupaan ng koponan laban sa TNT Tropang Giga sa Miyerkules, December 13 sa Philsports Arena.

Ayon sa NLEX, isa itong pagbibigay-pugay sa inukit na legacy at hindi masusukat na kontribusyon ni Taulava sa mundo ng Philippine Basketball.

Naglaro siya ng walong season kasama ang NLEX simula noong 2014.

Matatandaang noong 2015, pinangalanan si Asi na isa sa 40 greatest players ng Philippine Basketball Association.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *