National

Nurse group, nanawagang ibigay na ang backpay mula Jan 2020

Nanawagan ang Filipino Nurses United (FNU) sa gobyerno na ilabas ang retroactive pay ng mga nurses simula noong January 2020, bilang pagsunod sa memorandum ni Executive Secretary Salvador Medialdea noong June 1, 2021, na nagtatakda sa sahod ng entry level nurses sa Salary Grade 15 (P32,000) mula sa Salary Grade 11 (P22,000).

Ayon sa FNU, ang memorandum ni Medialdea ay consistent sa desisyon ng Supreme Court noong October 2019 na nagtatakda sa base pay para sa mga nurses sa government institutions sa Salary Grade 15 alinsunod sa 2002 Philippine Nursing Act.

Dahil dito, hinihimok ng naturang organisasyon sa gobyerno na tiyaking ang lahat ng nurses sa public sector ay natatamasa ang pagtaas ng entry salary sa SG 15 para sa mga bagong nurses na mayroong Nurse 1 positions, kabilang na ang mga nasa local government units, maging ang mga walang employee-employer relationship.

Ang memorandum ni Medialdea ay nagbabaliktad sa DBM Circular 2020-4 na nagdedemote sa mga Nurse 2 hanggang 7 rank sa isang lower rank sa kabila na ipapanatili ang kanilang salary bago ang demotion.

Giit ng FNU, halos dalawang dekada na hinintay ng mga nurses ang kanilang salary increase, sa kabila na ang Nursing law para dito ay naipasa noon pang 2002. // MHEL PACIA-TRINIDAD

BNFM National

Recent Posts

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

8 mins ago

‘Internal agreements’ sa pagitan ng China at PBBM admin – pinabulaanan ng DND

Walang alam o hindi kabilang ang Department of National Defense sa internal agreement sa pagitan…

33 mins ago

Mga barko ng PH, Amerika, at France – tuluy-tuloy sa karagatang sakop ng Palawan

Nagpapatuloy ang Multilateral Maritime Exercise ng mga barko ng Pilipinas, US at France sa karagatang…

46 mins ago

Taiwan – muling niyanig ng magkakasunod na lindol

Muling niyanig ng magkakasunod na lindol ang Taiwan. 'Di pa rin natatapos ang serye ng…

1 hour ago

P15.5B na disaster relief fund, naka standby para sa El Niño

Tiniyak ni Department of Budget and Management (DBM) ang suporta ng pamahalaan para sa mga…

1 hour ago

Pilipinas, hindi pa umano handa sa paggamit ng nuclear power plant

Maraming nang mga bansa na ang naging bukas sa paggamit ng nuclear power dahil na…

1 hour ago