Nurse sa England, ginamit ang bank card ng namayanpang pasyente para sa kaniyang meryenda

Isang empleyado sa isang ospital sa England ang naassign sa COVID19 ward, ang kamakailan lamang ay bnagbili umano ng kaniyang meryenda ngunit ang ginamit niyang pambayad ay ang bank card ng yumao pa lamang na pasyente.

Kinilala itong si Ayesha Basharat na mula sa Bermingham kung saan napatunayan na guilty sa salang paggamit ng bank card na hindi niya pagmamay-ari.

Base sa recorded CCTV footage ng ospital, nakita ditto na dinaqmpot nito ang naturang card at ayon naman sa imbestigasyon, ginamit nito ang card sa pagbili ng mga chichiriya, mga candy at soda na nagkakahalagang £6.

Makaraan ang ilang oras lamang at dumakong gabi, gumasto muli ito ng £1.

Nang makaraan ang apat na araw, plano umano nitong muling gamitin ang bank card, subvalit pinakansela na ito ng pamilya ng biktima ang card, alinsabay ng araw na ito’y inaresto.

Depensa naman ni Basharat na napulot niya lamang ito, ngunit, ang kaniyang ginamit sa pagbayad ng kaniyang pinamili ay ang sariling bank card.

Ito naman ang hindi pinaniwalaan ng korte dahil sa umano’y mayroong regulasyon at protocol ang ospital kung saan dapat ibinalik niya na agad ito ‘pagkat may ibang nagmamay-ari nito.

Matapos ang ilang diskusyon, umamin na nga ito sa kaniyang nagawa.

Sa ngayon, sinuspinde na rin umano si Basharat sa kaniyang trabaho bilang isang nurse.|WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *